MAGPAPAALAM LAMANG – #4 katapusang bahagi
Sa ilalim ng payong sa gitna ng malakas na ulan, isinilang ang kanilang pagmamahalan. Iyon ang simula ng maraming masasayang araw ng kanyang kabataan. Na-iinggit sa kanya ang kanyang mga kaibigan at maraming mga babaeng estudyante sa kampus dahil humahanga sila sa popular na si Alex Montoya.
Nangarap silang magpakasal. Nangarap silang magkaroon ng mga anak at marami pang magagandang pangarap ngunit ang kapalaran ay nakiki-alam.
Minsan, inanyayahan siya ng kaibigan niyang si Susan sa isang party na puro mga babae lamang. Si Susan ay ikakasal at gusto nito na ipagdiriwang ang huling kalayaan ng kanyang pagka-dalaga bago sia ikasal.
Idinaos ang party sa isang hotel. Lahat ng gastusin ay binayaran ng kapatid ni Susan na isang seaman. Masaya at wild na party, umiinom sila; sumasayaw; lahat sila ay nalasing at ganoon din si Anita.
Hindi alam ni Anita kung ano ang nangyari, nagising siya sa isang kama na hubad at may katabi na isang lalaking hubad din.
"Sino ka?" Nagulat si Anita. "Nasaan ako?"
"Ako si Edmund, kapatid ni Susan," ang lalaki ay nagpakilala na siya ay si Edmund. Si Edmund ay nakangiti.
"Nasaan ako? Bakit ako hubad? Ano ang nangyari?" Natakot si Anita.
"Huwag kang mag-alala, titiyakin kita, paninindigan ko ang aking ginawa," sabi ni Edmund.
Naalala ni Anita ang unang pagkakataon na nakilala niya si Edmund, ang ama ng kanyang mga anak. Ang lalaking naging asawa niya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya si Edmund, na kapatid ni Susan. Isang seaman, minsan lang kung umu-uwi si Edmund sa kanyang pamilya, minsan lang sa isa o dalawang taon.
Hindi niya alam ang gagawin. Hiyang-hiya siya. Si Edmund ang unang lalaking nakipagtalik sa kanya. Lagi niyang sinasabi kay Alex, na lalakad siya papuntang altar na isang putli kapag nagpakasal sila, ngunit ngayon ay hindi na ito mangyayari. Hindi na siyang isang birhen. Hindi niya inakala na sa isang pagkakamali lamang ay mabago ang lahat sa kanyang buhay, hindi lamang ang kanyang buhay kung hindi ang buhay din ni Alex.
HINDI maintindihan ni ALEX kung bakit niya into ini-iwasan. Na ayaw niyang kausapin ito. At upang tuluyang ma-iwasan si Alex nagpasiya siyang tumigil sa pag-aaral. Nagpasiya siyang magpakasal kay Edmund para sundan ang tradisyon o kasabihan ng mga ninuno, KUNG SAAN KA BUMAGSAK, DOON KA TUMAYO.
Masaya si Edmund pero sinabi ni Anita na mangyayari lamang ang kasal kung ilalayo siya ni Edmund sa kanilang lugar. Hindi niya kayang makita ang nangyayari kay Alex. Nagbago ang personalidad ni Alex, hindi na siya sikat sa paaralan. Hindi na rin siyang sikat na manlalaro sa larong Basketball. Kinamumuhian na ngayon ang isang taong dating hinahangaan dahil sa maraming gawa na hindi maganda, isang salita sinisira ni Alex ang kanyang pagkatao.
Pagkatapos ng kasal, nagpasiya sila ni Edmund na sa Maynila titira. Umupa sila ng apartamento at si Edmund patuloy na naging seaman sa loob pa ng dalawang taon.
Ang pag-asawahan nila ni Edmund ay tumagal lamang ng anim na taon. Namatay si Edmund sa isang aksidente sa kotse. Na-aksidente rin ang kanyang ama na nawalan ng binti, at dahil siya ay nag-iisang anak, inanyayahan niya ang kanyang mga magulang na pumunta na rin ng Maynila at pumayag ang mga ito.
Habang kumakayod sa buhay, nag-aaruga sa kanyang mga anak at mga magulang, si Alex ay pilit niyang kinalimutan, hanggang makita niya itong muli. Nakita niya ulit ang una niyang pag-ibig, na halos hindi makilala at patay na.
Muling nasugatan ang puso ni Anita. Inuusig ng kanyang budhi, siya ang dapat sisihin sa nangyari kay Alex. Nasaktan si Alex at winasak nito ang kanyang sarili ngunit alam niya, siya ang taong sumira sa lalaking mahal na mahal niya.
Paano nakarating si Alex kasama ang kanyang ina sa tapunan ng mga basura? Bakit si Alex at ang kanyang ina ay nasa Maynila? Maaring kaya na dahil iniwan niya ang kanilang lugar, sumunod si Alex upang siya ay hanapin? Binangga siya ni Alex sabay ang pagsabi ng ‘magpapaalam lamang ako.’ Nangyari ito samantalang patay na si Alex.
Walang tigil ang pagluha ni Anita, kaya hindi niya napansin na maraming mga tao sa kanyang paligid. Ang mga ito ay padala ng munisipyo upang ayusin ang bangkay ni Alex. Kukunin ang bangkay ni Alex at ituloy sa sementeryo upang ilibing kaagad. Si Aldo na abala sa pagkuha ng video ay nagsalita.
"Anita, dadalhin na nila ang bangkay, hindi ba dapat magsalita ka? Bakit ka lang umiiyak diyan?" at itinutok ni Aldo kay Anita ang camera ng cellphone.
"Ah, paumanhin po. Ito ho ang una kong vlog bilang isang charity vlogger," tumayo si Anita at ginawang background ang mga tao, pagkatapos ay nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. Sinusundan siya ni Aldo habang kumukuha nga video. Naaalala pa ni Anita ang pinag-aralan niya na Mass Communication, ang kursong hindi niya natapos dahil sa nangyari sa kanyang buhay.
"Paumanhin ho na hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Ito po kasi ang unang pagkakataon na nakikita ko kung paano namumuhay ang ilan nating mga kababayan. Isipin ho ninyo," lumakad si Anita papunta sa kinaroroonan ng ina ni Alex at ito ay kanyang inakbayan, "Nakita po namin ang babaeng ito na umiiyak sa labas ng kanyang kubo, dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Gutom siya, hindi pa kumakain dahil walang pagkain habang ang patay na anak niyang lalaki ay nakahiga sa lupa ng maraming oras at hindi niya alam kung ano ang gagawin, siya ay walang pera. Tingnan ho ninyo ang paligid," hinawakan ni Anita ang kamay ni Aldo upang doon sa bundok-bundukan na mga basura ipako ang camera at pagkatapos ay muling nagsalita , "ang mga taong nakikita ho ninyo na namumulot ng mga basura ay nakatira din dito sa gilid ng mga basura. Marumi, mabaho ngunit dito lamang sila maaaring kumita ng kaunti upang mabuhay sa araw-araw; ngunit palagi ito ay hindi sapat para sa pagkain. Ang patay na lalaking dala dalhin ngayon sa sementeryo, ang kanyang ina ay walang pera para siya ay ipagamot sa doktor, at wala ring pera para siya ipa-libing. Ang munisipalidad ngayon ang siyang nagpalibing sa kawawang tao." Ang pag-video ni Aldo ay nakatuon na ngayon sa paglagay ng kabaong ni Alex sa loob ng sasakyan ng punerarya. Nang may narinig si Anita na parang bumubulong.
"Pinatawad na kita, Anita." Si Anita ay hindi makakilos. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo malapit sa kanya, si Alex. Biglang umiyak si Anita at siya ay tiningnan ng mga taong nandoon.
"Aalis na ako, alagaan mo sana ang nanay ko. Paalam Anita, mahal na mahal kita, Paalam," at unti-unting nawawala ang anino ni Alex.
"Paumanhin, naantig po lamang ako nang husto sa mga pangyayari," si Anita ay humingi ng paumanhin sa mga taong nakalibot at tumitingin sa kanya. Pagkatapos ay mabilis siya na naglakad para mahabol ang ina ni Alex na naglalakad papunta sa Van na kanyang sasakyan papunta sa sementeryo. "Pagkatapos ng libing gusto ko hong kausapin ka. Tutulungan kita, gagawin ko ho ang lahat na makaya ko upang matulungan ka," sabi ni Anita sa babaeng sumagot sa kanya,
"Salamat, kailangan ko ang lahat ng tulong dahil wala akong anuman.”
Sumunod sina Anita at Aldo sakay ng kanilang motor sa dalawang sasakyan na papunta sa sementeryo.
"Nang ibaba sa lupa ang simpleng kabaong na ibinigay ng munisipalidad upang paglagyan ng katawan ni Alex Montoya, sumigaw ang ina ni Alex. Ang lahat na pangyayari ay kinukunan ni Aldo ng video.
"Anak ko, magpahinga ka ng payapa. Mahal kita, sinasabi ng mga tao na ikaw ay baliw, ngunit nais kong buhay ka pa sana at tayo ay magkasama. Ano ngayon ang gagawin ko? Nag-iisa na lamang ako,"
Matapos ang hinagpis ng ina ni Alex, si Anita ay nagsalita, kaya't itinuon ni Aldo ang camera sa kanya. "Nakikita at naririnig ho ninyo. Naaawa ako sa ina, ayaw niya na mawawala ang kanyang anak kahit sinasabi ng mga tao na ito ay baliw. Pinasasalamatan ko ang Municipal Social Department para sa kanilang mabilis na pagtugon pero tinatawag ko pa rin ang ating pamahalaan. Ang nagdadalamhating ina na ito ay may anak na babae na hindi niya kailanman narinig matapos magpunta sa Gitnang Silangan para magtrabaho bilang domestic helper. Tulungan po ninyo siyang hanapin o malaman kung ano ang nangyari sa kanyang anak. Ako ay nagmamakaawa sa ating pamahalaan. Paalam, Alex, Alex Montoya, magpahinga ka ng payapa. Pinapangako ko na tutulungan ko ang inyong ina.” Pinahid ni Anita ang kanyang mga luha na patuloy na dumadaloy, pagkatapos ay sinabi ang pangwakas na salita ng kanyang vlog, "Nalulungkot ako, hindi ko inaasahan na ang unang vlog kong ito ay masaktan ako ng husto. Ngunit kung kayo ay nandito at makita ho ninyo ang lahat, masasaktan din ho ang inyong damdamin. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha. Kaya mga kababayan, kayo na may mga mabuting puso, ang tulong po ninyo ay malugod naming tatanggapin, paalam na po hanggang sa susunod at sana huwag ho ninyong kalimutan na , i-SHARE, LIKE at mag-SUBSCRIBE ho sa aking channel. Salamat at GOD BLESS ho sa inyong lahat."
Maganda ang mga sinasabi ni Anita sa kanyang vlog. Nang sabihin niya na labis siyang nasaktan sa mga paghihirap sa buhay ng mga taong nakita niya ng araw na iyon, walang sinumang maghihinala na ang nagpabigat ng kanyang damdamin lalo ay ang alaala ng kanyang Unang Pag-ibig na si Alex Montoya, na siya ang dahilan kung bakit nawasak ang buhay nito.
Dalawang araw siyang nanatili sa kanyang silid at ibinuhos ang kanyang isipan sa video editing. Nang matapos niya at i-upload ito sa YouTube, dalawang araw pa rin siyang nagmukmok sa kanyang kwarto. Ang kanyang mga magulang ay nag-alala.
"Anita, buksan mo ang pinto, nandito si Aldo," kumatok si Tonya sa pintuan ng silid ni Anita.
"Sigi, lalabas ako, sandali lang," sagot ni Anita sa kanyang ina.
Sa salas, nakangiti si Aldo.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Anita.
"Nag-viral ka. Alam mo ba na ikaw ang unang vlogger na sa loob lamang ng isang araw ay monetized kaagad sa YouTube? Ang iyong mga subscribers mabilis na dumami, halos isang milyong na at ang views ay higit na sa limang milyon." Tuwang-tuwa si Aldo.
"Imposible, hindi ako maniniwala!" Sagot ni Anita sa kanyang pinsan.
"Dahil sa pagsasalita at pag-iyak mo kaya marami nanood ng video mo. Viral ka rin sa Facebook.” sabi ni Aldo.
"At bakit ako naging viral?"
"Ikaw ay nasa TV. Na-alaala mo ba ang lalaking may kamera nang dumating ang mga taga munisipyo upang kunin ang bangkay? Isa siyang news reporter; siguro, dahil ikaw ay nasa news ang mga tao ay nanood sa YouTube ng iyong video." Sinabi ni Aldo kay Anita na nasa TV siya sa kinagabihan ng araw na ilibing si Alex.
"Nakaantig sa maraming mga viewer ang iyong masakit na iyak at maniwala ka’t hindi, ang daming mga viewer na kababayan natin sa ibang bansa ay gustong tulungan ang ina ng patay na taong iyon. Kunin mo ang iyong computer at basahin natin ang mga komento ng viewers. "
At ito ay ginawa nila. Lahat ng sinasabi ni Aldo kay Anita ay totoo. Halos hindi rin si Anita makapaniwala pero may halos isang milyong subscribers na siya. Agad siyang monetized ng YouTube at ang mga komento lahat ay positibo. Hindi alam ni Anita na isinilang ang isang Charity Vlogger na pangarap niya para sa kanyang sarili.
Naisip ni Anita, pagkakataon ba o may kinalaman ang tadhana sa lahat na nangyari? Tadhana ba ang nagpasiya na siya ay titigil sa pagtatrabaho sa call center upang mag-vlogging? Mag-vlogging upang si Alex Montoya ay makapagpaalam sa kanya? Nababalisa ang isipan ni Anita ngunit lumuwag ang kanyang damdamin. Na-isip niya at naniniwala siya na maaring na-awa ang Langit kay Alex Montoya, sapagkat sa matagal nitong paghihirap at paghahanap sa kanya na pati kaluluwa nito ay nagpagala-gala upang makapag-paalam lamang. Bumulong si Anita sa kanyang sarili habang may luha ang kanyang mga mata, nagpapasalamat siya kay Alex, "salamat, Alex sa pagpapatawad mo sa akin at ipinapangako kong aalagaan ko ang iyong ina. Mahal kita." ****Wakas**** ni Remedios Dorio.
Ano ho ang masasabi nyo sa kuwentong ito.
Add comment
Comments